San Patricio ng Irlanda (+461) – 17 Marco

http://irelandofmyheart.wordpress.com

IRELAND OF MY HEART

_Downpatrick-Head_SUBPAGE_1600X900

patrick4

San Patricio ng Irlanda (+461)

17 Marco

Si San Patricio ay isang Kristiyanong Romano Britanikong misyonero at pintakasing santo ng Irlanda na kahanay nina Brigid ng Kildare at Columba. Noong labing-anim na taong gulang siya, nabihag siya ng mga mananalakay na mga Irlandes at inalipin sa Irlanda, kung saan namuhay siya ng anim na taon bago makatakas at makabalik sa kaniyang mag-anak. Pumasok siya sa simbahan, katulad rin ng ginawa ng kaniyang ama at lolo, naging diyakuno at isang obispo. Nagbalik siya sa Irlanda bilang isang misyonero sa hilaga at kanluran ng pulo, subalit kaunti lamang ang nalalaman hinggil sa mga pook kung saan siya nagsagawa ng mga gawaing pangmisyonero, at walang ugnay na magawa sa pagitan ni Patricio at ng anumang simbahan. Sa pagsapit ng ika-8 daantaon, naging santong patron siya ng Irlanda. Sinilang at umunlad ang sistema ng monasteryong Irlandes pagkaraan ng panahon ni Patricio at hindi pinainam ng simbahang Irlandes ang huwarang dioyesis na sinubok ilunsad ni Patricio at iba pang mga sinaunang mga misyonero.

Wikipedia

Advertisements